“TRAP”
Kaarawan
dapat iyon ng maliit na kapatid ng lalaki. Pinaghandaan niya ito ng pansit at
kumain sila, ngunit mapaglaro talaga ang panahon at dumating ang malaks na
panibagong bagyo. Kagaya sa tunay na buhay, kapag dumating ang isang sakuna
wala ka nang maiisip kundi ang buhay at kaligtasan ninyo.
Ipinapahiwatig
ng pelikula na napakabagal ng gobyerno sa pagawa ng paraan para sa mga taong
nasalanta ng bagyo.
Matapos
ang Yolanda at makaligtas sa bagyo, halos mawalan ng pag-asa ang mga tao.
Marami ang nawalan ng mga minamahal sa buhay, pamilya, at kaibigan, naisipan pa
ring magpatuloy ng karakter ni Nora para sa anak niyang nag-iisa na.
Ipinakita
ng direktor ng pelikula na kahit napakaraming tao ang nagpadala ng tulong ay
naging mabagal pa rin ang nangyayaring pag-unlad ng lugar na iyon. Gayon pa
man, kahit na napakahirap ng pinagdadaanan ng mga tao doon ay hindi pa rin sila
sumuko.
Makailang
ulit nang nagpabalikbalik ang lalaki upang maayos ang pagkamatay ng kanyang mga
magulang pero walang nangyayari. Nagaganap ito sa reyalidad na napaglalaruan ka
na ng panahon, pati ng pagkakataon ay pinag lalaruan ka pa ng kapwa mo tao.
Susuko na sana siya at nagawa ng magalit pero marahil naisip niyang walang
maitutulong ang galit.
Nagsimula
ang kwento sa isang mag-anak na nasusunugan ng tinutuluyan. Lahat ay ginawang
tumulong at iligtas sila. Subalit wala na, ang karakter naman ni Nora ay isang
inang nawalan ng tatlong anak at hindi pa rin mahanap kahit labi ng mag ito.
Ang isang lalaki naman ay nawalan ng mga magulang at nahihirapang ayusin ang
pagkawala ng mga ito.
Sa
simula at kung hindi ka mahilig sa mga ganoong uri ng palabas ay mawawalan ka
ng gana. Subalit sa totoo lamang kahit na nakakahilo at nakakalito ang kwento
ay may maganda itong ipinapahiwatig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento