Sabado, Abril 1, 2017

HUMAN RIGHTS!

HUMAN RIGHTS!

Naging maulan ng umagang iyon at hindi rin agad nakapag simula ng maaga dahil sa ulan. Nilipat din ang venue sa loob ng Mall dahil sa hindi kagandahang panahon.

Pag karating doon ay hindi pa agad nasimulan ang nasabing programa dahil sa mga iniintay na Artist.

Matapos nila mag pakilala ay nag pa perform muna sila upang hindi mabagot ang mga kabataan.

Ganoon paman kahit na e-seat na nila ang mga kailangan para sa programa nila ay hindi pa din ito na simulan ng  maaga gaya ng nasa program nila. Hinayaan na muna nilang kumain ang mga kabataan .

Nag simula ang panood ng Film mga bandang alasdos na, kasabay noon ang pag pipinta ng mga artist sa isang mahabang puting tela.

May mga ilang inantok na sa nasabing Film.

Matapos ang Film ay may muling nag salita, hindi ko na magawang matandaan ang kanyang pangalan.  Lalaki ito at may katabaan.

Kaniyang winika ang tungkol sa karapatang pantao, At lalo na tungkol sa marsyalo ganun din ang nagaganap na “Extrajudicial killings” sa pamumuno ni Pangulong duterte.

Aniya ang nagawang pag lilihim ng pag lilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani ay hindi naman nararapat.

Kanila ding winika na dapat tayo ay matutung ipag laban ang ating karapatang pantao.

Pinaalala din nila sa mga kabataan na “Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan!”

Ganun paman may mga kabataan ng hindi nakikinig sa kanila ay tinuloy parin nila ang pag papaliwanag ng mga bagay na tungkol sa karapatang pantao sa mga kabataan na handang makinig sa kanila.

Tinanung din ng isang lalaki kung pabor daw ba ang mga kabataan sa pag papatupad ng “Death penalty”. Wala namang nga kabataan ang nag taas ng kamay.

“Tama! Hindi tayo dapat pumayag sa pag papatupad ng Death penalty sa pagkat labag ito sa karapatang pantao.” Aniya.

Matapos iyon ay may tinanung silang estudyante kung anu daw ba ang kanyang natutunan sa pakikinig sa mga nag salita.

Aniya “Isa po ako sa mga hindi pumapayag sa Death penalty sa pagkat lahat po ng tao ay may karapatan ng pangalawang pag kakataon at mas mabuti nang makulong nalamang ang mga ito!”

Lumabas ding maganda ang mga ginawa ng mga artist sa kanina lamang ay puting tela.

Nag handa din sila ng mga kandila upang magamit nila sa lightning  ceremony.


Sabi ng isang nakausap ko ay para daw silang nakipag rally sa ginawa nilang lightning .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento