Sabado, Abril 1, 2017

Janitor

Janitor

Ng mga araw na iyon ay hindi ko nagawang bumyahe sa Calauag upang mainterview ng personal ang aking ama.

Siya si Christopher Cano isang janitor sa dati kong school na pinasokan. Private School ito.

Dalawang ring pa lamang ay sumagot na ito. Naisipan kong tawagan nalamang ito.

''Hello?'' Bungad nito sakin.
''May mga itatanung lang po ako tungkol sa trabaho nyo.'' Pagpapaalam ko. Gabi na kaya alam kong wala na itong trabaho.

''Ge!'' Pag komperma niya.

''Mahirap po ba ang trabaho nyo?'' Panimula ko.
''Hindi naman! Ang mahirap lang e yong mga teacher na ang lakas mag utos e pare-pareho lang naman kaming pinapasuweldo!'' Ramdam sa boses niya ang inis.

''Nakakapagod po ba ang trabaho nyo?''

''Lahat naman ng trabaho nakakapagod! Pero hindi pwedi kasi pinapaaral ko kayo! Hindi ako pwedi mapagod kasi panu kayo?'' Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot niya.

''Ano po yong nag papatibay sa inyo?''

''Syempre kayo! Kayo lang naman ang dahilan ko kong bakit ako nag susumikap eh!''

''Pano po pag masama pakiramdam nyo?''

''Kahit pa masama pakiramdam ko hindi pwedi kasi wala tayo kakainin kapag nag pahinga ako! Kawawa kayo!'' Huminga muna ako ng malamim upang hindi kumawala ang mga luha ko.

Mahirap maging ama dahil kailangan nila isakripisyo ang lahat para sa mga anak at pamilya nila. Kahit pa pagod na sila ay hindi pwedi dahil iniisip nila ang pamilya nila.


Pahalagahan dapat natin ang pag hihirap ng ating mga magulang. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento