WHO AM I?
Pinanganak ako noong
July 26 1999 at ngayon ako ay 17 taon na. Ako ay purong Filipino pero pusong Koreano,
na may taas na 5'4 at bigat na 48 kilo.
Hindi ako malakas at palagi pa akong may sakit. Hikain kasi
ako pero kahit ganon naglalaro parin naman ako ng basketball at iba pang sports.
Noon naman ay na ospital ako dahil nagkaroon ako ng Pneumonia.
Pero noong sinubukan ko ang Mx3 ay lumakas ang risistensya ko.
Ngayon naman ay may back injury lamang ako dahil sa Van na sinakyan
ko. May pagkakaskasiro kasi yong driver kaya muntik na kami mabangga.
Wala naman akong maisip na physical asset ko. Siguro pwedi na
din ang mata ko roon. Tutal, laging sinasabi sa king nagmumukha daw akong masungit
dahil sa mga mata ko.
Basta ang alam ko hindi ako perpekto at marami akong inaayawan
sa physical kong kaanyuan. Hindi ko gustong hindi ako maputi at hindi ko gustong
wala akong lahing Koreano.
Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako matalino, masipag lang ako
mag-aral. Noon, ngayon tamad na ako. Malawak ang imagination ko kayatnaman nakakaya
kong magsulat sa wattpad.
Kapag naman may nadating na poblema sakin madalas sinukuan ko
ito, lalo na pagalam kong malayo sakin ang mga magulang ko. Duwag ako at sa mga
magulang ko lang umiikot ang buhay ko.
Para sakin ang biggest success ko sa buhay ay noong Junior High
ako. Top student ako noon. Pero ngayon dahil tamad na ako, wala na. Kasama din
ako o part ako ng student council noon.
Pangarap ko talagang maging isang sikat na director at makagawa
ng pelikula sa Korea at maging sikat na writer. Gusto kong sa Korea makapagtrabaho
at tumira.
Oo kaukuhan pero ang pantasya ko talaga ay ang mapakasal kay
D.O ng EXO. Yon lang talaga. Yon ang makakapagpasaya sa akin.
Ang tatlong bagay naman na pinapahalagahan ko ay una ang God,
pangalawa ang family ko, at pangatlo naman ang EXO. At ang tatlong bagay na hindi
ko magagawa ay una, hinding hindi ko tatalikuran ang God, pangalawa hindi ko
tatalikuran ang pamilya ko, at pangatlo... hinding hindi ko tatalikuran ang EXO.
Lumaki ako sa Calauag at maganda doon. Kunti lang ang sasakyan
pero sibilisado pa rin naman na doon. Marami ding magandang puntahan at tambayan.
Di ko alam kung bakit wala talaga akong maintindihan pag math
na ang subject. Di kami magkasundo at mukhang hindi na yata kami talaga mag kasundo.
Paborito ko naman ang Filipino at creative writing. Gusto ko yong paggawa ng mga
story.
Sino nga ba ang first love ko? Siguro yong mga magulang ko
at ayaw kong mag-end yon. Forever yon.
Ang mga kaibigan ko naman ngayon ay sina, Camille yong kasama
ko sa bahay, si Ate Alliah at si ate Tattin. Ang sasaya nila kasma at ang kukulit.
Kung may babaguhin man ako sa mundo? Yon ay ang maging mayaman
ako.
Nakakita ako sa Calauag Quezon at gaya ng sinabi ko,
magawmda naman don. Masaya don lalo na pag nasa linang ako at dumadalaw sa mga kamag-anak
namin.
Gusto ko namang part ng bahay namin ay sa kwarto dahil may
t.v at computer. Pati na din sa kusina. Gusto ko kasing nagluluto.
Minsan naman nasa may kabilang bahay kami, may hardware kami
at malaki ang bahay namin don. Mukha yong hunted house pero wala namang multo..
yata.
Pinakamalungkot namang nangyari sa bahay ay noong nawawala ang
lolo ko at bigla na lang nalaman naming sumakabilang buhay na. Sobrang naapektuhan
ang kuya ko at muntik nang mawalan ng ganang mabuhay nang dahil sa nangyari.