Sabado, Abril 1, 2017

BASURA MO (Photo essay)

Ang basurang ating dulot...




Di lamang tayo ang pinapahirapan...


 Malinis na kalikasan ay nagdurusa...


Sa ating mga kagagawang kalat... Sila ay pweding mag laho.


Dapat ating alagaan at pahalagahan...


Ang saating ibinigay na kalikasan


Ating mahalin ang pinaghirapan ng naglikha 


Sa tamang tapunan ating ilagay ang mga kakalatan 


Mga pinagkainan ay pulutin at linisin.


Upang hindi magsisi pag dating ng panahon.






















Panu maging HUMSS?

"Panu maging HUMSS?"

Panu nga ba maging HUMSS? Tunog madali diba?
Parang sobrang dali diba?

Sana nga madali... kaso hindi eh!

Napaka hirap din maging HUMSS... Andyan yong kailangan nyo gumawa ng Film, mag mukhang tanga sa harap ng madaming tao. May Math din kaming nakakadugo ng utak at nakakahilo. 

Mag-aaral ng arts, kailangan sumayaw at kumanta kahit hiyang hiya kana. Kailangan intindihin ang mga taong may sapak, May Science din kami. 

Pero pag tinanong kong ano nga ba ang kaya namin ipag malaki? Marami kaya hindi namin deserve ang maliitin ng kung sino-sino man.

Kaya namin mag baliw-baliwan sa maraming tao, kaya naming hindi lang utak ang paganahin, kaya naming maging partikal, kaya namin mag-enjoy kahit stress na.


Janitor

Janitor

Ng mga araw na iyon ay hindi ko nagawang bumyahe sa Calauag upang mainterview ng personal ang aking ama.

Siya si Christopher Cano isang janitor sa dati kong school na pinasokan. Private School ito.

Dalawang ring pa lamang ay sumagot na ito. Naisipan kong tawagan nalamang ito.

''Hello?'' Bungad nito sakin.
''May mga itatanung lang po ako tungkol sa trabaho nyo.'' Pagpapaalam ko. Gabi na kaya alam kong wala na itong trabaho.

''Ge!'' Pag komperma niya.

''Mahirap po ba ang trabaho nyo?'' Panimula ko.
''Hindi naman! Ang mahirap lang e yong mga teacher na ang lakas mag utos e pare-pareho lang naman kaming pinapasuweldo!'' Ramdam sa boses niya ang inis.

''Nakakapagod po ba ang trabaho nyo?''

''Lahat naman ng trabaho nakakapagod! Pero hindi pwedi kasi pinapaaral ko kayo! Hindi ako pwedi mapagod kasi panu kayo?'' Nakaramdam ako ng lungkot sa sagot niya.

''Ano po yong nag papatibay sa inyo?''

''Syempre kayo! Kayo lang naman ang dahilan ko kong bakit ako nag susumikap eh!''

''Pano po pag masama pakiramdam nyo?''

''Kahit pa masama pakiramdam ko hindi pwedi kasi wala tayo kakainin kapag nag pahinga ako! Kawawa kayo!'' Huminga muna ako ng malamim upang hindi kumawala ang mga luha ko.

Mahirap maging ama dahil kailangan nila isakripisyo ang lahat para sa mga anak at pamilya nila. Kahit pa pagod na sila ay hindi pwedi dahil iniisip nila ang pamilya nila.


Pahalagahan dapat natin ang pag hihirap ng ating mga magulang. 

Matutuklasan Sanaysay

Matutuklasan
Sanaysay

Ayon kay Alejandro Abadilla ang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.

Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil ito ay hango sa sariling karanasan na tinataglay ng impormal na sanaysay.

Tunguhin ng ibang mga Pilipino noong panahon ng Amerikano na makawala o magkaroon ng kalayaan ang ating bansa.

Nilikha ang sanaysay sapagkat upang maipahayag ang mananaysay ang kaniyang kuru-kuro at iba pang sariling ideya.

Ang naging ambag ng sanaysay bilang anyong pampanitikan ay sinasabing ang sanaysay bilang anyong pampanitikan ay huling nakakita ng liwanag sa larangan ng panitikan.

Ang pormal, maanyong sanaysay ay kinakailangang may masining pagoorganisa ng datos, at iba pang nilalaman ng sanaysay. Samantalang ang impormal ny base sa sariling karanasan ng manunulat.


Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat ang karaniwang paksa nito ay ang pagtatala sa mga tunay na tao at pangyayari.

HUMAN RIGHTS!

HUMAN RIGHTS!

Naging maulan ng umagang iyon at hindi rin agad nakapag simula ng maaga dahil sa ulan. Nilipat din ang venue sa loob ng Mall dahil sa hindi kagandahang panahon.

Pag karating doon ay hindi pa agad nasimulan ang nasabing programa dahil sa mga iniintay na Artist.

Matapos nila mag pakilala ay nag pa perform muna sila upang hindi mabagot ang mga kabataan.

Ganoon paman kahit na e-seat na nila ang mga kailangan para sa programa nila ay hindi pa din ito na simulan ng  maaga gaya ng nasa program nila. Hinayaan na muna nilang kumain ang mga kabataan .

Nag simula ang panood ng Film mga bandang alasdos na, kasabay noon ang pag pipinta ng mga artist sa isang mahabang puting tela.

May mga ilang inantok na sa nasabing Film.

Matapos ang Film ay may muling nag salita, hindi ko na magawang matandaan ang kanyang pangalan.  Lalaki ito at may katabaan.

Kaniyang winika ang tungkol sa karapatang pantao, At lalo na tungkol sa marsyalo ganun din ang nagaganap na “Extrajudicial killings” sa pamumuno ni Pangulong duterte.

Aniya ang nagawang pag lilihim ng pag lilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani ay hindi naman nararapat.

Kanila ding winika na dapat tayo ay matutung ipag laban ang ating karapatang pantao.

Pinaalala din nila sa mga kabataan na “Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan!”

Ganun paman may mga kabataan ng hindi nakikinig sa kanila ay tinuloy parin nila ang pag papaliwanag ng mga bagay na tungkol sa karapatang pantao sa mga kabataan na handang makinig sa kanila.

Tinanung din ng isang lalaki kung pabor daw ba ang mga kabataan sa pag papatupad ng “Death penalty”. Wala namang nga kabataan ang nag taas ng kamay.

“Tama! Hindi tayo dapat pumayag sa pag papatupad ng Death penalty sa pagkat labag ito sa karapatang pantao.” Aniya.

Matapos iyon ay may tinanung silang estudyante kung anu daw ba ang kanyang natutunan sa pakikinig sa mga nag salita.

Aniya “Isa po ako sa mga hindi pumapayag sa Death penalty sa pagkat lahat po ng tao ay may karapatan ng pangalawang pag kakataon at mas mabuti nang makulong nalamang ang mga ito!”

Lumabas ding maganda ang mga ginawa ng mga artist sa kanina lamang ay puting tela.

Nag handa din sila ng mga kandila upang magamit nila sa lightning  ceremony.


Sabi ng isang nakausap ko ay para daw silang nakipag rally sa ginawa nilang lightning .

“TRAP”

“TRAP”

          Kaarawan dapat iyon ng maliit na kapatid ng lalaki. Pinaghandaan niya ito ng pansit at kumain sila, ngunit mapaglaro talaga ang panahon at dumating ang malaks na panibagong bagyo. Kagaya sa tunay na buhay, kapag dumating ang isang sakuna wala ka nang maiisip kundi ang buhay at kaligtasan ninyo.

Ipinapahiwatig ng pelikula na napakabagal ng gobyerno sa pagawa ng paraan para sa mga taong nasalanta ng bagyo.

          Matapos ang Yolanda at makaligtas sa bagyo, halos mawalan ng pag-asa ang mga tao. Marami ang nawalan ng mga minamahal sa buhay, pamilya, at kaibigan, naisipan pa ring magpatuloy ng karakter ni Nora para sa anak niyang nag-iisa na.

          Ipinakita ng direktor ng pelikula na kahit napakaraming tao ang nagpadala ng tulong ay naging mabagal pa rin ang nangyayaring pag-unlad ng lugar na iyon. Gayon pa man, kahit na napakahirap ng pinagdadaanan ng mga tao doon ay hindi pa rin sila sumuko.

          Makailang ulit nang nagpabalikbalik ang lalaki upang maayos ang pagkamatay ng kanyang mga magulang pero walang nangyayari. Nagaganap ito sa reyalidad na napaglalaruan ka na ng panahon, pati ng pagkakataon ay pinag lalaruan ka pa ng kapwa mo tao. Susuko na sana siya at nagawa ng magalit pero marahil naisip niyang walang maitutulong ang galit.

          Nagsimula ang kwento sa isang mag-anak na nasusunugan ng tinutuluyan. Lahat ay ginawang tumulong at iligtas sila. Subalit wala na, ang karakter naman ni Nora ay isang inang nawalan ng tatlong anak at hindi pa rin mahanap kahit labi ng mag ito. Ang isang lalaki naman ay nawalan ng mga magulang at nahihirapang ayusin ang pagkawala ng mga ito.

          Sa simula at kung hindi ka mahilig sa mga ganoong uri ng palabas ay mawawalan ka ng gana. Subalit sa totoo lamang kahit na nakakahilo at nakakalito ang kwento ay may maganda itong ipinapahiwatig.


WHO I AM

WHO AM I?

  Pinanganak ako noong July 26 1999 at ngayon ako ay 17 taon na. Ako ay purong Filipino pero pusong Koreano, na may taas na 5'4 at bigat na 48 kilo.

Hindi ako malakas at palagi pa akong may sakit. Hikain kasi ako pero kahit ganon naglalaro parin naman ako ng basketball at iba pang sports.

Noon naman ay na ospital ako dahil nagkaroon ako ng Pneumonia. Pero noong sinubukan ko ang Mx3 ay lumakas ang risistensya ko.

Ngayon naman ay may back injury lamang ako dahil sa Van na sinakyan ko. May pagkakaskasiro kasi yong driver kaya muntik na kami mabangga.

Wala naman akong maisip na physical asset ko. Siguro pwedi na din ang mata ko roon. Tutal, laging sinasabi sa king nagmumukha daw akong masungit dahil sa mga mata ko.

Basta ang alam ko hindi ako perpekto at marami akong inaayawan sa physical kong kaanyuan. Hindi ko gustong hindi ako maputi at hindi ko gustong wala akong lahing Koreano.

Sa pagkakaalam ko, hindi naman ako matalino, masipag lang ako mag-aral. Noon, ngayon tamad na ako. Malawak ang imagination ko kayatnaman nakakaya kong magsulat sa wattpad.

Kapag naman may nadating na poblema sakin madalas sinukuan ko ito, lalo na pagalam kong malayo sakin ang mga magulang ko. Duwag ako at sa mga magulang ko lang umiikot ang buhay ko.

Para sakin ang biggest success ko sa buhay ay noong Junior High ako. Top student ako noon. Pero ngayon dahil tamad na ako, wala na. Kasama din ako o part ako ng student council noon.

Pangarap ko talagang maging isang sikat na director at makagawa ng pelikula sa Korea at maging sikat na writer. Gusto kong sa Korea makapagtrabaho at tumira.

Oo kaukuhan pero ang pantasya ko talaga ay ang mapakasal kay D.O ng EXO. Yon lang talaga. Yon ang makakapagpasaya sa akin.

Ang tatlong bagay naman na pinapahalagahan ko ay una ang God, pangalawa ang family ko, at pangatlo naman ang EXO. At ang tatlong bagay na hindi ko magagawa ay una, hinding hindi ko tatalikuran ang God, pangalawa hindi ko tatalikuran ang pamilya ko, at pangatlo... hinding hindi ko tatalikuran ang EXO.

Lumaki ako sa Calauag at maganda doon. Kunti lang ang sasakyan pero sibilisado pa rin naman na doon. Marami ding magandang puntahan at tambayan.

Di ko alam kung bakit wala talaga akong maintindihan pag math na ang subject. Di kami magkasundo at mukhang hindi na yata kami talaga mag kasundo. Paborito ko naman ang Filipino at creative writing. Gusto ko yong paggawa ng mga story.

Sino nga ba ang first love ko? Siguro yong mga magulang ko at ayaw kong mag-end yon. Forever yon.

Ang mga kaibigan ko naman ngayon ay sina, Camille yong kasama ko sa bahay, si Ate Alliah at si ate Tattin. Ang sasaya nila kasma at ang kukulit.

Kung may babaguhin man ako sa mundo? Yon ay ang maging mayaman ako.

Nakakita ako sa Calauag Quezon at gaya ng sinabi ko, magawmda naman don. Masaya don lalo na pag nasa linang ako at dumadalaw sa mga kamag-anak namin.

Gusto ko namang part ng bahay namin ay sa kwarto dahil may t.v at computer. Pati na din sa kusina. Gusto ko kasing nagluluto.

Minsan naman nasa may kabilang bahay kami, may hardware kami at malaki ang bahay namin don. Mukha yong hunted house pero wala namang multo.. yata.


Pinakamalungkot namang nangyari sa bahay ay noong nawawala ang lolo ko at bigla na lang nalaman naming sumakabilang buhay na. Sobrang naapektuhan ang kuya ko at muntik nang mawalan ng ganang mabuhay nang dahil sa nangyari.